Akala ko magiging madali lang sakin ang lahat

Kung akala mo masaya akong iwan ka, sobrang hirap sakin lagi ko nalang iniisip kung ano bang dapat kong gawin. Pero may mga bagay nga daw na mas maganda kung tatapusin nalang kung wala naman din patutunguhan. 

Siguro iniisip mo na meron na akong iba, sa totoo lang napagod lang talaga ako sa mga ginagawa mo, sana naman iparamdam mo sakin kung gaano mo ako kamahal. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong matandaan bawat masasakit na pangyayare sa ating dalawa. Sabi nila hindi na daw kailangan mag dalawang isip na iwan ka, pero sabi ko kahit anong manyare hindi kita iiwan dahil mahal na mahal kita pero hindi pala ganun kadali na magtiis nalang. Ikaw lang ang pinakilala ko sa magulang at mga kamag anak ko, ganun ka ka importante sakin. Kakayanin ko din siguro to, mahirap lang talaga sa umpisa lalo na hindi na tayo.

Sana maging masaya kana ngayon magagawa mo na lahat ng gusto mo, ng walang naiinis sayo. Wala narin mangungulit sayo, salamat din kasi napasaya mo ako kahit papano. Nung una kitang nakasama wala katumbas na kasiyahan yung naramdaman ko sa piling mo. Pero habang tumatagal parang tumatamlay ka ata siguro nagsasawa kana din kasi “ldr” tayo o napapagod ka. Hindi kita maintindihan kasi mo ako kayang diretsuhin, sabi mo hindi mo lang maparamdam na mahal mo ako kasi malayo tayo sa isa’t isa. Nagawa mo na yun dati diba? Ano bang nangyare ngayon? Kulang ba lahat ng ginawa ko? Hindi paba sapat yung pag mamahal ng ibinigay ko? 

Ako tong nang iwan pero ako din sobrang apektado, para akong gago. Pero ayaw ko ng mag mukhang tanga, gusto ko maging masaya ka.

  1. jeepneylovestoryy reblogged this from pakialamera
  2. pakialamera posted this