Alam ko yung feeling na nag hihintay buong madaling araw para lang makausap yung taong mahal mo. Wala akong pakialam kahit 7am pa ang pasok ko, kahit anong oras hihintayin kita makatext ka o makausap kahit saglit lang. Hindi naman sa pinagdadamot kita sa mga kaibigan mo, sila pwedeng makita araw araw pero tayo madalang pa sa madalang kung magkita. Pero nakakapagod pala yun, yung puro ikaw lang, Sa umpisa kinakaya ko pa kasi sobrang mahal ko siya hindi ko ramdam yun sa mga ginagawa ko minsan nakakalimutan ko na pala yung sarili ko. Sa bawat sorry na mga sinasabi niya ayos lang sakin sige pagbigyan di rin naman kita matiis eh para saan pa kapag nag away tayo.
Ang masakit? Kapag ako na yung nagtampo ako rin ang mag so-sorry ako din pala tong mag hahabol, tangina kailangan ganun? Lagi nalang nababaligtad ang sitwasyon kahit wala akong kasalanan kahit siya tong dahilan ng pag tatalo namin. Hanggang sa naulit at naulit nalang, yung mga promise na sinabi mo sakin nabaliwala lang. Pano naman ako? Pwede ako naman lambingin mo?
Sana maintindihan mo kung bakit naging dry ako bakit nawala akong sweetness ko at kung bakit napagod ako, kasi may mga taong pinapahalagahan ako habang binabalewla mo ako. Ayokong isipin na nasayang lang ang lahat lahat dahil alam kong naging masaya ako sayo at alam kong naramamdan mo ang pag mamahal ko kahit malayo ako sayo.
Alam ko yung feeling na nag hihintay buong madaling araw para lang makausap yung taong mahal mo. Wala akong pakialam...