Kagabi, gusto ko ng iwasan bestfriend ko. As in diko na siya kakausapin, kasi nga parang m.u kami noon. Kaya minsan iniiwasan kong makipag usap sakanya, pero kagabe nakapag usap kami. Sinabi ko yung nararamdaman ko, tutal meron na siyang gusto siguro dapat tigilan na namin kung anong meron kame.

Eto ako si girl assuming kasi, tapos tinanong niya kung ano ba daw nangyayare sakin? Hindi ba halata na mahirap sakin, pano kung ma fall ako ng sobra sakanya pero meron syang ibang gusto? Ayokong mangyare yun, kasi masakit. Naiyak ako nung sinabe kung naalala ko pa ba daw yung promise namin sa isa’t isa noon.

Inno: Nakalimutan mo na ba mga promise natin noon? Na kahit anong mangyare, di tayo mag iiwasan. Na kahit magka girlfriend ako di ako mag babago sayo, diba ikaw pa nga nag wish na sana mag ka girlfriend nako? Akala ko ba andito ka lang lagi sa tabi ko? Eh bakit nag kaka ganyan ka? Anong nangyayare sayo, bakit gusto mo nakong iwasan?

Oo nga pala, nakalimutan ko sinabe ko yun. Na magiging masaya ako kung makakahanap na siya ng babaeng mamahalin niya, noon kasi parang wala lang feeling ko kaya ko. Bestfriend kame eh, pero ngayon diko alam, minsan ang bigat sa pakiramdam. Pero tinatatak ko na sa utak ko na hanggang ganito lang kame, tska may hinihintay naman akong tao eh, yun eh kung may hinihintay nga ba ako.

#diary  
  1. icouldbeyoursupergirl reblogged this from pakialamera
  2. pakialamera posted this