:(

Naghihintay nalang akong may dumating na magmamahal sa akin at isalba ako mula sa katangahang to. Pagod na akong magpabalik-balik. Lalayo pag nasaktan, babalik pag nakarinig ng salitang Mahal kita. Pagod na ako. Ang layo-layo ko na, pero isang salita lang, kumakaripas akong bumabalik sa kanya. Pagod na ako. Pero bakit parang ayaw kong tumigil. 

Ilang buwan, ilang araw, ilang kahit ano na ba akong umiyak at nasaktan, pero tumigil ba ako? Hindi. Parang mas napapakapit pa ako nang hindi sinasadya sa tuwing iiyak ako at masasaktan. Ilang buwan, ilang araw, ilang kahit ano na ba siyang wala, pero nawala ba ako? Para akong naghihintay ng bus sa expressway. Dadaanan ako, pero hindi ako hinihintuan. Ilang buwan, ilang araw, ilang kahit ano na bang ipinaramdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal, pero may nangyari ba? Nagpakulong pa rin siya sa sakit niya.

Para bang gumagapang akong palayo, pero sumasakay ako ng MRT pabalik sayo.

  1. martyrkasiako reblogged this from kneehowma
  2. themightytima reblogged this from ysshhaaa
  3. ysshhaaa reblogged this from kahayl
  4. iamjoiii reblogged this from kneehowma
  5. jeepneylovestoryy reblogged this from pakialamera
  6. hopelessss-but-hoping reblogged this from pakialamera
  7. superdina reblogged this from kahayl and added:
    Naghihintay nalang akong may dumating na magmamahal sa akin at isalba ako mula sa katangahang to. Pagod na akong...
  8. hannieeebee reblogged this from kahayl
  9. primadonnabells reblogged this from kneehowma
  10. kahayl reblogged this from kneehowma