Noon, nung kami pa takot akong makipag usap sa ibang lalake. Yung tipong parang pag may taong sweet sakin iniiwasan ko, kahit sino pa yan. Simula nung may nakita ako sa message niya sa facebook, nawalan nako ng tiwala. Hindi naman maiwasan yun eh, ang layo ko kasi sakanya. Pero nawalan din ako ng gana, parang ako eto ang tino tino ko sa malayo parang hindi pa siya kontento sakin. Di lang isang beses nangyare yung mga bagay na yun, ang bilis ko mag selos pag dating sakanya. Pakiramdam ko ang tanga ko nun eh, ewan ang dali ko sya patawarin.
Oo matagal na yun, pero ang daming tumatatak sa isip ko. Di naman akong perpektong girlfriend eh. Pero lagi ko namang sinisigurado na ginagawa ko yung part ko bilang isang girlfriend. Di pa ata sapat yung mga nagawa ko, alam ko may mga kasalanan din akong nagawa sakanya. Pero minsan naiisip ko sayang talaga yung panahon na kami pa, pero mas ayos na yung ganito. At least, hindi nako nahihirapan katulad noon.
-
pinklavenderpie likes this
-
pakialamera posted this
